ANG PAG-IBIG AY PARANG BULA
NA KUSA NALANG NAWAWALA
PARANG NONG UNANG MAGKAKILALA TAYO
NAGSIMULA SA SIMPLENG HI AT HELLO
MASAYA AKONG NAKILALA KITA
AT UNTI-UNTI AY MINAHAL KANA NGA
MASARAP SA PAKIRAMDAM
PERO MAYROON PARING PAG-AALINLANGAN
MINAHAL KITA AT NAGING TAYO
MASAYA KA SAKIN, MASAYA AKO
PERO ISANG ARAW BIGLANG NAGBAGO
PINAGSAMAHAN, PAGMAMAHAL AY NAGLAHO
WALANG ARAW NA HINDI AKO LUMUHA
NAGTITIIS DAHIL AYAW KANG MAWALA
NAGTITIIS SA PANANAKIT AT PANLOLOKO
DAHIL AYAW KONG IWAN MO AKO
UNTI-UNTI AKONG NATAUHAN AT NAGSISI
NAGTATANONG KUNG BAKIT KA PINILI
MALAKI ANG PAGSISISI SA SARILI
KINALIMUTAN LAHAT NG 'YONG SINABI
BAKIT KA PA BA NAKILALA
BAKIT KA PA DUMATING SA BUHAY KO
BAKIT BA MINAHAL PA KITA
HINDI SANA NAHIHIRAPAN AT NASASAKTAN NG GANITO
HINDI MO ALAM ANG TOTOONG NARARAMDAMAN
HINDI MO ALAM ANG DAHILAN
DAHIL WALA KA NAMANG PAKIALAM
HINDI MO NGA AKO PINAHALAGAHAN
MINAHAL KITA KAHIT DI KO ALAM ANG PAGKATAO MO
OO TANGA AKO KASI NAKILALA KO ANG WALANG KWENTANG TULAD MO
MINAHAL MO NGA AKO PERO SA PARAANG PANLOLOKO
MAHAL PATAWAD, AYOKO NA AT SUKO NA AKO
SALAMAT SA PAGMAMAHAL NA BINIGAY MO
PATAWAD DAHIL DI NA MATUTUPAD MGA BINITAWANG PANGAKO SAYO
PATAWAD DAHIL MINAHAL KITA NG TOTOO
AT SALAMAT DAHIL SA WAKAS MAGIGING MALAYA NA AKO.